This post may contain Affiliate links. Please read my DISCLOSURE for more info.

Apologies, but this poem that I wrote is best rendered in the Filipino language. 

Day 3

Buti ka pa, naka-move on na                         

Samantalang ako, eto, hindi pa.                   

Kaloka, kataka-taka

Anyare sa ating dalawa?
Dati, nilalanggam tayo

Bigla na lang naging buro.

Bakit kasi kontrabida

Iyang ex mong may sira?

Binuko ako sa nanay mo

Di ako marunong magluto.

Sabagay, buti na’ng nangyari

Kesa naman laging kunwari

Sanay akong humawak lagi

Ng marumi, maitim na kawali.

Pero teka, ganun ba talaga

Kababaw ang iyong pagsinta?

Para akong ipinagpalit

Sa isang pinggang pansit

Puso ko’y tinapakan

Dahil lang sa aking kapintasan.

Hindi pala ‘buti ka pa’

Ang dapat kong sabihin,

Kundi ‘buti na lang’

Di ako naging kusinera!

Leave a Reply

Scroll to top
error: Content is protected !!
%d bloggers like this: