Discover a timeless classic in a new voice with this Filipino translation of The Happy Prince and Other Tales by Oscar Wilde. This beautifully rendered edition brings Wilde’s beloved stories of compassion, sacrifice, and human nature to life in Filipino, making them more accessible and deeply resonant for today’s readers.
Featuring thoughtfully crafted discussion questions, this book is perfect for classrooms, book clubs, and anyone eager to explore the enduring themes and social insights woven into these tales. Experience the magic, wit, and heart of Wilde’s storytelling—now enriched through language that speaks closer to home.
THE HAPPY PRINCE
SA PINAKAMATAAS NA LUGAR NG LUNSOD, SA ISANG mataas na haligi, ay nakatayo ang estatwa ng Masayang Prinsipe. Nababalot siya ng suson-susong maninipis na pinong ginto. Ang mga mata niya’y dalawang makikislap na batong sapiro, at isang malaking pulang batong rubi ang kumikinang sa hawakan ng kaniyang espada.
Hangang-hanga sa kaniya ang marami. “Kasing-ganda siya ng hugis-tandang na instrumentong nagtuturo ng direksiyon ng ihip ng hangin,” sabi ng isa sa mga Konsehal ng Lunsod na gustong magkaroon ng reputasyon bilang isang taong magaling sa sining. “Wala nga lang masyadong pakinabang,” dagdag niya, dahil baka isipin ng taong-bayan na hindi siya praktikal, talaga namang hindi.
“Bakit hindi ka maging gaya ng Masayang Prinsipe?” tanong ng isang pilosopong ina sa kaniyang anak na batang lalaki, na palahingi ng mga bagay na imposible niyang maibigay. “Hindi iniisip kailanman ng Masayang Prinsipe na humingi ng anumang bagay.”
“Natutuwa ako na mayroong masaya sa mundo,” bulong ng isang lalaking bigo sa buhay habang minamasdan niya ang kahanga-hangang estatwa.
“Kamukha siya ng isang anghel,” sabi ng mga bata na nakatira sa Bahay ng Kawanggawa habang sila’y papalabas ng katedral, suot ang matitingkad na pulang balabal at ang kanilang mapuputi’t malilinis na tapis.
“Paano ninyo nasabi iyan?” tanong ng Guro ng Matematiko, “hindi pa kayo nakakita ng anghel.”
“Nakakita na po! Sa aming mga panaginip,” sagot ng mga bata. Kumunot ang noo ng Guro ng Matematiko at sumungit ang kaniyang mukha sapagkat para sa kaniya, hindi tama na mangarap ang mga bata.
Isang gabi, lumipad sa ibabaw ng lunsod ang isang maliit na ibong Layang-layang. Anim na linggo na ang nakararaan nang umalis patungong Ehipto ang kaniyang mga kaibigan. Subalit nagpaiwan siya sapagkat umibig siya sa isang magandang halamang Tambo. Nakita niya ito noong nagsisimula ang panahon ng tagsibol, habang lumilipad siya sa kahabaan ng ilog at sinusundan ang isang malaking dilaw na gamu-gamo. Labis siyang humanga sa balingkinitan nitong baywang kaya’t napatigil siya para kausapin ito.
“Iibigin ba kita?” tanong ng Layang-layang, sapagkat gusto niya ng diretsahang usapan. Yumuko ang Tambo. Kaya lumipad siyang paikot-ikot dito, isinayad sa tubig ang kaniyang mga pakpak na lumikha ng mumunting alon na kulay-pilak. Ganito siya nanligaw, at tumagal iyon sa buong tag-araw.
© 2025 Mayumi Cruz All rights reserved. Site Design and Content by Mayumi Cruz