“Hey, okey ka lang?” tanong ni Clyde na may himig pag-aalala.
“Ha?” Mabilis siyang kumawala sa pagkakahawak sa kaniya ni Clyde. “O-oo. Sorry, hindi ko nakita iyong step.”
“Kaya nga dapat ihatid talaga kita eh.”
“Oo na. Responsible manager ka eh,” sagot niya at mabilis na lumakad na palayo.
“Ha? Ano iyon?” Habol-habol siya ni Clyde na sinisikap siyang payungan. Hindi siya tumigil sa paglalakad. Nakakadalawang kanto na sila. Isang kanto na lang, nasa condo na siya.
“Wala. Bingi,” sabi niya na nakaismid. Lakad pa rin siya.
“Teka lang,” wika ni Clyde at hinawakan na siya sa braso. Natigil siya sa paglalakad. Nakarating na sila sa may gate ng condo.
“Bakit parang galit ka?”
“Hindi ako galit.”
Nakatayo silang magkaharap sa ilalim ng payong, sa ilalim ng malakas na ulan. Pero ayaw niyang tumingin kay Clyde. Itinutok niya ang tingin niya sa Adam’s apple nito.
“Eh bakit iniiwan mo ako?” tanong ng binata. “Ayan tuloy, nabasa ka na. Magkakasakit ka niyan.”
“Hayaan mo, kahit maysakit ako, papasok pa rin ako bukas. Hindi ka kukulangin ng tao.”
“Ano? Bakit ganyan ang sinasabi mo?”
Bumuntung-hininga siya. Pagkatapos ay iniangat ang kaniyang mga mata kay Clyde.
“Kasi, ganyan lang ako sa iyo. Tauhan mo lang sa store. Samantalang ako…,” her voice slightly broke, but she kept on before she lost her nerve. There was something in the rain that made her brave.
“I’m falling for you, Clyde. I’m falling for you hard.”
© 2025 Mayumi Cruz All rights reserved. Site Design and Content by Mayumi Cruz